Martes, Marso 25, 2008

Noon at Ngayon (jeero, kay jprizal)


Noon ay sobrang espesyal ang turing kay Rizal dahil sa pagiging pambansang bayani niya. Iniisip kong ang mga nagawa niya ay hindi magagawa ng karaniwang tao at naging pambansang bayani siyta dahil sa inalay niya ag kanyang buhay para sa bansa.

Noon ay ayaw kong isipin na maliit siya dahil ang karaniwang mga bida ay matataas. Lagi pa siyang nakasuot ng Amerikana kaya inisip kong siya ay hindi ganoon kaliit. Ang hindi ko laam ay ang kanyang angking laki ay may papel rin sa kanyang kahusayan. Kailangan niyang maging mahusay sa ibang mga bagay upang siya ay mapansin.

Ang alam ko lang noon ay lahat ng tungkol sa akademya, maging sa pagsulat o pasalita man, ay alam gawin ni Rizal. Ngayon lamang na nakasama sa aralin ang kurso ni Rizal, ang PI 100, ko nabatid na hindi pala siya magaling sa pagsasalita dahil sa may problema siya sa pagsasalita. Batid kong isa rin iyo sa dahilan sa pagangat niya sa ibang bagay tulad ng pagsusulat.

Noon ay alam kong matataas ang kanyang mga marka at ang labas tuloy ay nangunguna siya sa klase ngunit ang hindi ko batid ay matataas rin ang marka ng halos karamihan sa kanila. Dati ay iniisip kong sobrang angat nila sa buhay at kinaya pa niyang makapagaral sa iba’t-ibang bansa, hindi alam ang pagtitiis na ginawa niya para lamang makapag-aral doon.

Sa dami ng babaeng naging bahagi ng kanyang buhay ay hindi man lang pumasok sa isip ko noon na maaring bakla si Rizal. Hindi naman kasi pinaguusapan ang tungkol sa relasyon niya sa mga lalaki niyang kaibigan, tanging ang mga ginawa lamang niyang koneksyon at tulong ng mga ito sa kanya upang matapos at maipalimbag ang kanyang mga isinulat.

Ang alam ko noon ay mula umpisa pa lamang ay namuhay na siya upang ialis ang Pilipinas sa kamay ng mga mananakop at pinili lang niya ang paraan na walang pakikipaglaban o walang pagdanak ng dugo at iyon ang naging basehan ng kanyang pagiging pambansang bayani. Iyon pala ay ginawa lamang niya ang kayang gawin ng katayuan niya sa lipunan. Ang pagiging illustarado niya ay dahilan ng kangyang pag-aaral at pagsusulat at hindi pagsama sa himagsikan. Kung kailan ko lamang nabatid na noong una ay pinagpipilitan niyang edukasyon lamang ang makalulutas ng solusyon sa pagkakasakop sa Pilipinas. Hindi ko rin maisip at hindi rin pumasok sa aking isipan na mas nanaisin pa niyang magkaroon lamang ng representasyon ang Pilipinas sa Espanya kaysa maging sarili ng mga Pilipino ang Pilipinas. Noon ay pag-angat ng kanilang katayuan sa lipunan ang kanilang naiisip, ang pag-angat ng mga Middle Class. Patunay dito ay ang Propaganda Movement niya at ng mga katulad niyang Middle-Class. Ngunit sa huling mga bahagi ng kanyang buhay ay ginawa nya ang kaya niyang gawin upang maialis sa pagkakasakop ang Pilipinas. Ang pagsusulat ng kanyang mga nobela na pagpapalimbag palang ay probema na at lalo na ang pagpapalaganap ng mga ito. Alam niyang ito ay magiging mitsa ng kanyang buhay subalit tinuloy pa rin niya.

Noon man o ngayon ay hindi matatawaran ang husay ni Rizal sa pagsulat. Ang kanyang mga nararamdaman at naiisip ay ipinakita niya sa malikhain niyang mga gawa. Ang tapang niya sa pagsusulat ang hindi nagpahinto sa kanya upang ilabas ang kanyang nararamdaman. Sa pamamagitan ng mga ito ay napukaw niya ang damdamin ng mga Pilipino. Ito ang gumising sa mga Pilipino na mali ang kinatatayuan nila, na sila ay inaapi. Iyon ang nagtulak sa pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa Pilipinas at sa kanilang mga sarili. Ito ang hindi maiaalis na dahilan ng pagiging pambansang bayani ni Dr. Jose Rizal.

2 komento:

lia ayon kay ...

sa kabila kasi ng mga kakulangan ni Rizal ay napunan niya ito sa mga nagawa niya para sa bayan!!!

kung bakla siya, eh ano naman ngayon?!

kung maliit siya at may speech defect, natabunan ba nito ang kanyang pagiging bayani?!

jane ayon kay ...

hindi ko alam na may speech defect pala siya..baka narinig ko na dati, hindi ko lang binigyang-pansin..
hindi naman nun mababago ang pananaw ko sa kanya..