Kelan unang nakikilala ng bata si jprizal?
***
Teacher: Wat is da nashownal frot?
Grade 1 class: Mang-gow!
Teacher: Right. Wat is da nashownal flawer?
Class: Sampagita!
Teacher: Wat is da nashownal carabao?
Class: *tatawa*
Teacher: Ay, wrong mistake. Wat is da nashownal animal, class?
Class: Carabao!
Teacher: Correct! Wat is da nashownal hero?
Class: Jose Rizal!
***
Pagtuntong ng Grade 3, saka pa lamang nila ituturo na ang dahilan kaya daw bayani si Jose Rizal ay dahil namatay siya para sa bayan. Lahat daw ng bayani, naging bayani dahil namatay sila para sa bayan.
Ilang beses ba kelangan mamatay para sa bayan ang isang bayani bago siya tanghaling pambansang bayani?
***
patapos na 'ko sa PI 100. dalawang bagay ang natutunan ko:
UNA, hindi isinilang na bayani si Rizal (waw, lord, kumusta naman, iniluwal na may sash na nakasulat: "National Hero ako". kahindik-hindik, lord!). Hindi sila parehong level ni Jesus Christ kaya 'wag siyang sambahin.xD
PANGALAWA, hindi bayani si Rizal dahil nag-alay siya ng buhay sa Bagumbayan. Bayani na siya bago pa yon... At ang pinakamalaking pagtuklas sa pagkatao niya ay kung paano siya hinubog ng kanyang panahon upang mamulat at maibahagi niya sa mas nakararami ang pagkamulat na iyon… kahit kapalit pa ng buhay niya.
Martes, Marso 25, 2008
aBBy: ilang windang na dagli ukol kay G. jprizal
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
2 komento:
tama!!!
nakawindang nga ang pagpapakilala kay Rizal! kasama siya ng mangga, kalabaw, anahaw, agila, sepak takraw at iba pang mga pambansang echos na kung tutuusin ay hindi naman dapat nalilimitahan si Rizal sa mga ganung pagpapakilala!!!
lumalabas na napakababaw ng pagpapakilala sa ating pambansang bayani.Ang proseso ng kanyang pagiging bayani ay hindi ganun kasimple lamang at hindi dapat humihinto lamang sa ganoong pagpapakilala!!!
hala ka ate! magagalit sayo ang mga rizalista..".)
Mag-post ng isang Komento